Puting Buhangin

15 Jul

Puting Buhangin

Ramon Parica

Mga dalampasigang iyong napuntahan

na simbolo ng iyong kalayaan

ay ang natatanging larawan

na paulit-ulit kung pinagmamasdan

Kaiba sa karamihan

na payapang karagatan

ang kinahuhumalingan

Ika nama’y mas pinipiling pakinggan

mga awit ng paghalik ng dagat sa dalampasigan

Bagay bagay na pinagmasdan

at naobserbahan

ng malikot kung isipan

habang tayo’y nagkikwentuhan

Hindi mo ini-inda

mga di ka aya-aya

sayong kapaligiran

bagkus mas tutok ka

sa mga magandang tanawin

sa dalampasigan

Kakaiba sa akala ko’t inaasahan

ikaw pala ay simple datapwat

mahirap hulaan

Katangiang nagugustuhan ng karamihan

parang puting buhangin sa aplaya

na balot ng misteryo ang kagandahan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: