Tag Archives: Pnoy on Spratly

Spratly Spratly…

11 Jun

Matagal ng usapin kung kanino ba talaga ang kapuluan ng Spratly at patunay dito ang hanggang ngayo’y palitan ng matatapang na salita mula sa iba’t ibang bansang nais umangkin dito. Kamakailan lamang ay nagsalita ang Chinese Ambassador na si Liu Jianchao pahinggil sa pagbabawal sa iba’t ibang bansa na galugarin ang Spratly island sa posibilidad na maraming langis sa islang ito.

What’s alarming?

Ang Malacanang ay naglabas ng kanilang statement pahinggil sa isyu na ito at nais nitong resolbahin ang nasabing isyu sa diplomatikong pamamaraan. Sa aking pananaw ito’y nararapat lang dahil sino ba naman ay may nais ng gulo. Subalit sa ibayong usapin at sa worst case scenario, kung ipag giitan ng China ang kanilang claim sa isla, may magagawa ba ang Pinas para dito. Are we prepared for it, given na apat na sundalo lang at isang aso ang nagbabantay sa tatlong isla sa Kalayaan group of Island na pag-aari ng Pinas?

Sa panayam sa AFP na aking napanood, ang sabi ng isang opisyal ay handa raw ang Estados Unidos na suportahan ang Pinas kung sakaling humantong sa ganitong kalagayan ang isyu sa Spratly. Napakalinaw na hindi handa ang ating pamahalaan hinggil sa proteksyon ng ari-arian ng Pilipinas. Bakit? Bakit ka nyo? Andito na naman po tayo sa paulit-ulit na usapin, Nasaan ang pondo para sa ating AFP at iba pang ahensya para sa proteksyon ng mamamayan.

Another VFA?

Kung humantong sa away ng bansa ang isyu sa Spratly Island, nangangahulugan ba na ang pagtanggap natin ng supota mula sa Estados Unidos ay pagtanggap din natin ng another or continued Visiting Forces Agreement. Aba’y parang panahon lang ng Katipunan ano ho? Paulit -ulit lang.

Here’s comes the Paniningil

Hoy Pinas tinulungan kita na resolbahin ang mga isyu na kinakaharap mo noong mga nakaraan, ngayon maniningil na ko. Ano ba kapalit ng pagtulung nyo? Aba’y yan ang aabangan ko.

Sa ngayon ako’y makikinig, magmamasid, manonood at magsusulat.