Archive | malayang taludturan RSS feed for this section

Mahimbing

4 Jun

Mahimbing

Ramon Parica Jr.

O anong sarap sa pakiramdam

ang ikaw ay pagmasdan

sa kalagitnaan ng iyong

mahimbing na pagkakatulog

habang ang saliw ng musika

ay tumatagos sa bawat pusong

may taglay na pagibig

Pinakikinggan ang pagdaloy

ng mainit mong paghinga

at pinakikiramdaman

ang bawat pagtibok

ng puso mong may may ari ng iba

Nakatingin sa iyong mukha

habang ang mundo ko’y

di maapuhap sa kawalan

maari bang ika’y

maging akin na lang

pagkat lungkot na

taglay mo’y di ko

mapigilang pagmasdan

tula sa malayang taludturan

walang ritmo,

sukat at tugma

para sa mahimbing na kerubin.